OCTA Research, naniniwalang hindi pa panahon para sa Maharlika Investment Fund

Duda ang political analyst ng OCTA Research na ito ang tamang oras para sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni OCTA Research fellow Ranjit Rye na bagamat mabuti naman ang intensyon ng naturang panukala – hindi pa rin siya tuluyang kumbinsido rito.

Ayon kay Rye – kung siya ang tatanungin, hinid pa raw ito ang tamang panahon para ipasa ang sovereign wealth fund.

Dagdag pa niya, nasa kamay na ngayon ng Senado kung papaano nila patataasin ang accountability at transparency ng MIF.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *