October 8, non-working holiday sa Koronadal

KORONADAL CITY — IDENEKLARA ngayon ng Malacañang bilang special non-working day ang araw ng Biyernes, Oktubre 8, 2021 sa lungsod ng Koronadal.

Base ito sa inilabas na Proclamation No. 1225 ng Malacañang ukol sa selebrasyon ng ika-21 Charter Anniversary ng lungsod.

Layunin ng deklarasyon na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makibahagi sa iba’t-ibang mga aktibidad na inilatag ng lungsod para sa nasabing selebrasyon.

Hiling naman ng Malacañang sa publiko na sumunod sa minimum health protocols sa pakikisaya sa mga aktibidad.

Una nang inihayag ng city government ng Koronadal na karamihan online ang mga aktibidad sa selebrasyon ng charter anniversary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *