Official countdown ng T’nalak Festival 2023 nagsimula na!

KORONADAL CITY-NAGSIMULA na ang official countdown ng 100 days para sa T’nalak Festival 2023 sa probinsya ng South Cotabato ngayong araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Annaliz Cabrido ng Provincial Information Office ng South Cotabato, inihayag nito na asahan ng mga publiko ang maging masaya at mga iba’t ibang mga aktibidad sa selebrasyon ng 24th Tnalak Festival ngayong taon.

Dagdag pa ni Cabrido na bago ang tema ngayong taon sa selebrasyon ng Tnalak na ito naman ang “Onwards South Cotabato Dreaming Big, Weaving More Progress Rising Above Challeges” na sumasalamin sa patuloy na pag-angat at lumalaban ng mga South Cotabateños sa ano mang hamon kinakaharap ng probinsya.

Napag-alaman na nasa P31 million ang inilaang pondo sa nasabing selebrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *