Local News

Official list ng mga paaralan para sa pilot testing ng face to face classes hinihintay pa-DepEd Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Regional Director  Gilbert Sadsad ng Department of Education (DEPED) Bicol wala pa silang natatanggap na listahan ng mga paaralan na magsasagawa ng Limited Face to Face Learning System.

Ayon kay Sadsad, hinihintay pa hanggang sa ngayon ang official list na napabilang sa 100 public schools at 20 private schools na pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pilot testing area na limited face to face learning system.

Aniya, di rin nito alam kung ilan ang paaralan sa Bicol ang inaprobahan mula sa bilang na 305 na isinumite ng mga ito sa deped central office na magsagawa ng f2f na low risk area.

Kompyansa si Sadsad na sa nasabing bilang na inaprubahan ay mabibigyan rin itong slot ang rehiyon para sa face to face learning.

Ayon naman kay Kevin Arroco, ang Project Developer officer ng nasabing tanggapan, magiging mahigpit sa pagpili na magsasagawa ng f2f dahil sa mayroon itong dapat sundin na operation guidelines na binuo ng Department of Health (DOH) at DEPED.

Aniya, kailangan maipasa ng mga ito ang mga kriteria upang makapagsagawa ng face to face tulad na lamang ito ay nasa low risk area ng covid 19 ang lugar, pagpayag o paghahanda ng Local Government Unit (LGU), pagpapahintulot o pinapayagan ang kanilang mga anako parents consent at preparation ng paaralan.

Sinabi ng opisyal, mas mabusisi ang pagpili sa mga eskwelahan dahil sa kokonti lang ang pinayagan na magsagawa ng Limited face to face learning system.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

20 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

20 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

20 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

20 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

20 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

20 hours ago