OFW mula sa bayan ng Mercedes na nakaranas ng pang- aabuso sa kaniyang agency nakauwi na sa tulong ng LGU at OWWA

CAMARINES NORTE – Nakauwi na ang isang babaeng Overseas Filipino Worker sa Saudi Arabia na nakaranas ng pisikal at emosyonal na pang aabuso mula sa kaniya mismong agency.

Sa ulat ng Municipal Information Office ng Lokal na Pamahalaan, ang OFW ay isang 36 anyos, solo parent at may apat na anak na nagtrabaho sa Saudi Arabia.

Batay umano sa salaysay ng biktimang si Charie halos magdadalawang buwan pa lang siyang nakakapasok sa kanyang  employer sa abroad  nang siya ay magkasakit o namaga ang ilang bahagi ng katawan dahilan para ibalik siya ng kaniyang amo sa agency nito.

Sa Saudi agency sa accommodation site naranasan umano nito at ng kaniyang kasamahang OFW ang masasakit na pananalita at pisikal na pananakit gaya ng pananapak at paghampas ng anumang bagay maliban pa sa hindi sila pinapakain.

Dahil doon humingi na siya ng tulong sa kaniyang kapatid maging ang iba pa niyang kasamahan na sana makauwi na sila dito sa Pilipinas .

Lumapit ang kapatid ni Charie kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Mercedes coordinator  Ramil Apolinario na agad din namang nakipag ugnayan kay Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Annie Baynas at inilapit sa tanggapan ni Mayor Alexander Pajarillo at dito na pinag usapan ang paraan kung paano ito mapapauwi.

Sa pamamagitan ng Philippines Overseas Labor Office sa Saudi Arabia natukoy naman agad ang agency ni Charie.

Sinundo si Charie sa airport hanggang makauwi sa Mercedes.

Pagdating nito sa Mercedes agad itong nakipagusap kay Mayor Pajarillo  para ipaalam na maayos siyang nakauwi sa tulong ng lokal na pamahalaan.

May inihahanda na ring financial assistance para sa kaniya at sa sa kaniyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *