OFW na napaulat na tumalon di umano sa gusali sa Saudi, namatay na

Pumanaw na ang Palaweñang Overseas Filipino Worker (OFW) na napaulat na tumalon di umano sa ikatlong palapag na gusali sa pinagtatrabahuan nito sa Jeedah, Saudi Arabia.

Ngayong Biyernes, kinumpirma sa Brigada ng mga kaanak ni Flordelyn Gorospe na pumanaw na ito sa bansa ilang araw matapos ang insidente nitong March 14, 2023.

Una rito, ipinakita sa Brigada ng pamilya ni Flordelyn ang mga video habang ito ay subsob na nagtatrabaho sa Jeedah kahit na may karamdamam.

Maging ang pamilya ng OFW ay nalula sa taas ng palapag ng gusali na nililinis ng Flordelyn kahit na sumusuka na ito dahil sa sobrang sakit ng ulo at pakiramdam.

Gayunpaman, hindi kumbinsido ang ina nito sa Pilipinas na magagawa nitong tumalon at wakasan ang sariling buhay.

Naulila ng Palaweñang OFW ang asawa’t dalawa nilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *