OFW sa Hongkong, patay matapos mahulog habang naglilinis ng bintana

Tiniyak ng Konsulada ng Pilipinas sa Hongkong  ang tulong sa isang overseas Filipino worker na namatay matapos mahulog habang naglilinis ng bintana sa bahay ng kanyang amo.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni Consul General Raly Tejada na, nakikipag-ugnayan na sila sa Hong Kong government para makahanap ng solusyon at masimulan ang imbestigasyon.

Kasunod nito, pinaalalahanan ni Tejada ang mga OFW  na iwasang maglinis ng mga bintana sa matataas na palapag upang maiwasan ang mga katulad na aksidente.

Matagal na aniyang ipinagbawal ng Pamahalaan doon ang ganitong peligrosong gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *