OhMyV33nus, opisyal nang umalis ng Blacklist

Inanunsyo ng eSports player na si Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ang kanyang pag-alis sa MPL Philippines team na Blacklist International.

Sa kanyang opisyal na pahayag, nagbalik tanaw ang manlalaro sa kanyang naging journey sa Blacklist, kung saan siya naging M3 champion at three-time MPL Philippines champion.

Aniya, kusa na lang niyang naramdaman na oras na para umalis siya sa koponan.

Dalawang season na ng nagpapahinga sa MPL si OhMyV33nus, kasama si Danerie James “Wise” Del Rosario, na kalaunan ay umalis din ng koponan.

Bukod pa kay Villaluna at Del Rosario, opsiyal na ring inanunsyo ng Blacklist midlaner na si Yue ang kanyang pag-alis sa squad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *