Oil Price Hike, kasado na bukas

Inanunsyo na ang ipatutupad na price adjustment sa mga presyo ng produktong petrolyo simula bukas.

Sa abiso ng oil companies, ipatutupad ang P1.65 na umento sa kada litro ng diesel.

Samantala, P0.50 naman ang umento sa gasolina; habang P0.10 sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang price adjustment sa Pilipinas Shell at SeaOil bukas ng alas-sais ng umaga.

Alas-dose naman ng hatinggabi sa Caltex; habang alas-otso ng umaga sa CleanFuel.

Ngayong hapon inaasahang mag-aanunsyo na rin ang iba pang mga oil companies.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *