Oil price hike, nakaamba sa susunod na lingo

Magkakatotoo ang sinabing projection ng Department of Energy na muling magtataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sasambulat na naman kasi sa mga motorista ang panibagong round ng oil price hike sa Martes.

Ayon sa oil industry sources, posibleng ipatupad ang umento sa diesel mula P1.10 hanggang P1.40 kada litro.

Posible rin ang umento sa kada litro ng gasolina ng P0.10 hanggang P0.20.

Bago ito, una nang sinabi ni DOE – Oil Industry Management Bureau Dir. Atty. Rino Abad na bagamat ahagyang bumaba ang trading prices ng petrolyo sa pandaigdigang merkado – nakaapekto naman sa oil prices ang paghina ng piso kontra dolyar.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.