Oil spill sa Mindoro maaaring makaapekto sa mahigit 2k ektarya ng coral reefs at mangroves – DENR

Mahigit sa 2,000 ektarya ng coral reefs, mangroves, at seagrass ang posibleng maapektuhan matapos lumubog ang oil tanker na naglalaman ng 800,000 litro ng industrial fuel oil sa dagat na sakop ng Naujan, Oriental Mindoro.

Batay sa pagsusuri na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources ,  tinatayang 591 hectares ng coral reefs, 1,626 na ektarya ng bakawan at 362 ektarya ng seagrass o seaweeds ang posibleng maapektuhan.

Ayon sa ahensiya, mayroong 21 locally managed marine protected areas na matatagpuan sa Oriental Mindoro.

Samantala, sa inilabas na pahayag ng University of the Philippines- Diliman College of Science Marine Science Institute , maaari umanong makaapekto sa 24,000 hectares ng coral reefs ang oil spill.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *