Olive Ridley hatchlings o pawikan pinakawalan sa Camarines Sur

NAGA CITY- Itinuturing na malaking katagumpayan ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO Iriga City ang makapagpakawala ng 91 mga Olive Ridley Turtle Hatchlings sa baybaying-dagat ng Brgy. Payak, Bato Camarines Sur.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay CENR Officer Nestor Franz Fortuno, sinabi nitong kinakailangan na mairelease kaagad papuntang dagat ang mga pawikan sa pagpisa pa lamang at kailangan ng matinding monitoring lalo na iba-iba ang bilang ng araw ng pagkapisa na umaabot sa 45 hanggang 65 araw , dapat na makalangoy kaagad dahil base sa pag-aaral nasa isang 1% lang ang tiyansang nabubuhay.

Maliban kasi sa napakarare ng mga endangered species na ito lubhang napamaselan pa ng kanilang pamumuhay, kailangan ng magandang kapiligiran at temperatura ng panahon, iniiwalan din ang mga umaatake sa kanila habang maliit pa tulad ng mga alimango at ibon upang tuluyan ng makapunta ng karagatan, mabuti na lamang aniya at kaagad na naireport sa kanila ang bagay na ito.

Sa 109 na mga itlog, 83% o katumbas ng 91 mga pawikan ang napisa, 16 ang hindi at dalawa ang namatay dahil na rin panahon.

Kabilang ang pawikan sa “National List of of Threatened Philippine Fauna and their Categories” ng Department of Environment and Natural Resources o DENR kung saan mahigpit na ipinagbabawal ng Republic Act No. 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” ang pansariling pag-alaga, paghuli, pagbenta, pagbili, pagpatay at pagkain nito.

Kaya naman puspusan ang kanilang Campaign at pagpapa-alala sa mga residente na ingatan ang ganitong yaman ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *