OLONGAPO-Nagbabala ang City Health Office ng Olongapo sa mga indibidwal na namemeke ng medical certificate.
Ito ay base na rin sa nakuhang impormasyon mismo ng opisina ng City Health ng lungsod.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, may napag-alaman ang opisina na gumagawa nito mula sa dalawang barangay sa syudad.
Paglilinaw lang ni Bustamante, hindi kawani ng barangay ang gumagawa ng ganito na naniningil ng bayad para mameke ng medical certificate.

Base sa impormasyon umaabot ng 500 pesos hanggang 700 pesos ang sinisingil umano.
Panawagan ni Bustamante sa gumagawa nito na itigil na dahil ang syudad at mga barangay ay hindi naniningil ng bayad para makakuha ng medical certificate.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO