Olongapo City Government sinulatan na ang OEDC dahil sa tumataas na bayarin ng mga consumers

Sumulat na ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo sa Olongapo Electricity and Distribution Company o OEDC, ang kompanyang nagsusuplay ng kuryente sa lungsod.

Ito ay kasunod ng reklamo ng maraming residente sa mataas na bayarin kada buwan.

Ayon sa LGU, aware ito na hindi tumataas ang distribution charge ng OEDC kundi ang generation charge lamang kasunod ng pagtaas rin nito mula sa kanilang mga partners.

Subalit, pinapapaliwanag ng syudad ang kompanya kung bakit sa mas mataas na power supplier sila kumukuha.

Una nang inanunsyo ng OEDC na tataas na naman ang generation charge ngayong buwan at sa mga susunod pang buwan base na rin sa abiso ng kanilang supplier dahil umano sa gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Gayundin ang pagtaas ng presyo ng coal at produktong petrolyo sa merkado.

Dahil dito humihiling ng paliwanag ang lungsod mula sa kompanya at para malaman na rin kung ano ang maaaring gawin para maibsan ang pasanin ng mga consumers.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people and text that says 'from feeling sick to feeling better Power Cells Salabat Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *