OLONGAPO- Nabakunahan na kanina bago mag-alas dos ng hapon ang alkade ng Olongapo City na si Mayor Rolen Paulino Jr.
Ito ay dahil base sa advisory ng Department of Health Region 3 kasama ang Mayor at Vice Mayor ng lungsod sa pwede nang bakunahan dahil kabilang ang lugar sa critical at high risk areas ng Covid-19.
Sinovac vaccine ang itinurok kay Paulino.
Ayon kay Paulino, magandang paraan rin ito para mahikayat pa ang mas marami na magpabakuna para makaiwas sa virus.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
