Olongapo City Medical Society nananawagan ng pakikiisa sa mamamayan

Nananawagan ngayon ang Olongapo City Medical Society sa mamamayan ng lungsod na makiisa para malabanan ang tumataas ng kaso ng covid-19.

Ayon kay Pres. Dr. Raymond Joseph Manzo, ang pinakaimportanteng paraan para mapigilan ang pagdami pa ng tinatamaan ng virus ay ang pananatili sa bahay kung wala namang importanteng gagawin sa labas.

Aniya, kaya mang gampanan ng gobyerno at mga healthcare workers ang obligasyon pero ang “disiplina” pa rin ay dapat nagsisimula sa sarili.

Naniniwala si Manzo na mas makakatulong kung talagang paiigtingin ang pagpapatupad ng mga protocol, sitahin ang mga dapat sitahin at pairalin ang disiplina.

Maliban kasi sa kasalukuyang sitwasyon na punuan na ang mga pasilidad ng ospital sa lungsod ay kinukulang rin maging mga health workers lalo pa’t ang iba sa mga ito ay nagpopositibo rin sa covid-19 na kinakailangan munang magpagaling bago makabalik sa trabaho.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Vitamin CuraMed Vitamin A Vitamin B1 Vitamin B2 B6 100Ca Ingredients: CuraMed HERBAL Cayenne pepper has many antioxidants, including vitamin c, which also supports the immune system. Shop now! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *