Olongapo City PESO pinalalahanan ang publiko maging mapanuri sa mga agency

OLONGAPO-Pinaalalahanan ng Olongapo City Public Employment Service Office o PESO ang publiko na maging mapanuri sa mga inaaplayang trabaho.

Ito ay para maiwasan na maloko o mabiktima ng mga illegal recruiter para makakuha ng agarang pera sa mga naghahanap ng trabaho.

Ayon kay Olongapo City PESO Manager Mario Esquillo, dapat maging mabusisi ang mga aplikante at alamin ang kredibilidad ng mga ahensya kung kinikilala ba ito ng mga tanggapan ng gobyerno katulad ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA at PESO sa mga lokal na trabaho

Layon ng paalala na maiwasan ang mga illegal recruiters lalo na kung magingibang bansa.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *