Olongapo City Police Office, hinihikayat ang residente ng Olongapo para sa libreng operasyon sa mga may cleft lip at cleft palate sa lungsod

Hinihikayat ng Olongapo City Police Office o OCPO ang mga residente ng lungsod na may mga kamag-anak na may cleft lip at cleft palate na samantalahin ang libreng operasyon na inihahandog sa mga residente.

Ito ay sa pamamagitan ng Operation Smile Philippines International Foundation,

sa pakikipagtulungan ng Police Regional Office 3 at local government unit sa ilalim ng programang “Simpleng Ngiti Alay ng PNP PRO3”.

Para sa mga interesado sa libreng operasyon, ang gagawin lamang ay makipag-ugnayan sa mga police station sa lungsod ng Olongapo para ang kanilang opisina na ang magbibigay ng instruction sa mga kasunod na gagawin.

Ang magiging benepisaryo ay isasailalim sa operasyon sa Rosario Memorial Hospital Sa Guagua, Pampanga.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

No photo description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published.