Tumanggap ng pitong patrol car unit ang Olongapo City Police Office o OCPO mula sa Philippine National Police Regional Office.
Ito ay para may magamit na karagdagang sasakyan para sa mga mobility ng bawat presinto at police operations.
Ayon kay City Director Pcol. Jeric Villanueva, ang pitong sasakyan ay ibibigay sa anim na presinto sa lungsod habang ang isa naman ay itinalaga sa mobile patrol group para sa mga police visibility operation nito.
Samantala, ginanap ang turn over ceremony nitong nakaraang araw ng Myerkules.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center