OLONGAPO-Sinisiguro umano ng Olongapo City Civil Registry na masusunod ang ipinatutupad na health and safety protocols para sa gagawing mass wedding sa susunod na buwan.
Ito ay dahil nilimitahan ng opisina ang bilang ng mga couple na tatanggapin ngayong taon.
Kung dati ay umaabot sa 100 hanggang 150 ang magkapreha na ikinakasal, ngayong Hunyo ay tatanggap lamang ang civil registry ng 50 hanggang 80.
Ayon kay Cilvil Regsitry Officer Kerren Cajudo, ang venue rin ng kasalan ay open area kaya gagawin ito sa Marikit Park sa June 3.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO