Olongapo, handa nang tumanggap ng anti-covid19 vaccines na maselan ang storage requirement

Handa na ang Olongapo na tumanggap ng suplay ng mga bakuna kontra corona virus disease na may mataas na storage requirement.

Ito ay dahil nakabili na ng ultra-low freezer ang city government na maaring paglagyan ng mga brand ng bakuna gaya ng Pfizer, Moderna at Sputnik v.

Ayon kay City Health Officer Dr.Doods Bustamante,mayroong halos walong libong doses ng ibat-ibang bakuna ang parating sa Olongapo sa susunod na linggo at posibleng alinman sa tatlong brand ng vaccines ang mapasama.

Tinatayang 160-thousand doses ang magkakasya sa ultra low freezer na binili ng city government.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'Power Cells Sooba HerbalMi Relieves Tired Muscles SHOP NOW! Lazada ww..n www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published.