Olongapo LGU at mga Telco kasalukuyang nagsasagawa ng Sim Card Registration

Nagset-up ang mga Telecommunication companies sa Rizal Triangle ng Olongapo City simula pa kahapon, araw ng Lunes.

Ito ay para tulungan ang mga mamamayan ng lungsod na hindi pa nakakapag-rehistro ng kanilang mga sim card.

Ang pagpaparehistro sa Rizal Triangle ay tatagal hanggang sa araw ng Byernes mula alas nwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act na inaatasan ang publikong iparehistro ang mga sim card hanggang April 26, 2023.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *