Sinuspinde ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman ang labing-dalawang mga opisyal ng Department of Education (DedED) at Department of Budget and Management.
Ito ay hinggil sa ma-anomalyang pagbili ng mga outdated at mga overpriced na laptops para sa mga teachers.
Kung matatandaan – sa mga naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee – nakuwestyon ang P58,350 na halaga ng kada unit ng laptop.
Sa ilalim ng 11-pahinang resolusyon ni Ombudsman Samuel Martires – mayroon umanong sapat na grounds para i-suspinde ng anim na buwan nang walang bayad sina DepEd Usec. Annalyn Sevilla; dating DepEd Usec. Alain del Pascua; at dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao.
Suspendido rin ang iba pang opisyal na sina DepEd Asec. Salvador Malana, Special Bids and Awards Committee director Abram Abanil; at dating PS-DBM officer-in-charge Jasonman Uayan.
Mayroon ding suspension ang iba pang PS-DBM directors at officers na sina Ulysees Mora, Marwin Amil, Paul Armand Estrada; at iba pang DepEd officials na sina Alec Ladanga, Marcelo Bragado, at Selwyn Briones.
Samantala, tiniyak naman ng DepEd na handa silang tumalima sa desisyon ng Ombudsman.