Omicron variant sa Germany, pumalo sa tatlo

Inanunsyo ng Germany na pumalo na sa tatlo ang bilang ng mga kaso ng bagong Omicron variant ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ito ay matapos madagdag sa bilang ang infection na naitala sa western state of Hesse.

Sinabi ni Kail Klose, Social Affairs Minister ng state of Hesse, na nakumpirma nila ito sa pamamagitan ng suqeuncing.

Galing ang nasabing kaso sa South Africa nang dumating ito sa Hesse, kung saan ay matatagpuan ang Frankfurt airport, na isa sa pinaka-busy na air hubs ng Europe.

Noong Sabado lamang ay sinabi ng mga otoridad na merong dalawang kaso ng Omicron variant ang na-detect sa southern state ng Bavaria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *