On-site SIM card registration, kasalukuyan ngayong isinasagawa sa Ligao City, Albay

Kasalukuyang isinasagawa ngayong araw ang on-site SIM card registration activity sa pangunguna ng City Information Office ng Ligao, Albay, kung saan nag-umpisa ito kaninang alas 9 ng umaga at magtatapos mamayang alas 4 ng hapon sa Old City Hall, Sta. Cruz ng kaparehong lunsod.

Katuwang ng LGU ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang isagawa ang aktibidad na ito sa lugar na may layuning matulungan ang mga residente sa lunsod na nahihirapan sa pagrerehistro ng kanilang sim cards lalo pa’t nalalapit na ang deadline ng registration.

Ang pagrerehistro ng sim cards ay alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11934 o ang Sim Card Registration Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *