On-site vaccination vs COVID-19 isinagawa sa Sorsogon City District Jail

SORSOGON CITY – Isang on-site COVID-19 vaccination ang isinagawa sa pasilidad ng Sorsogon City District Jail.

Layon ng aktibidad na maturukan na ng bakuna at booster shot ang mga eligible Persons Deprive of Liberty at mga BJMP personnel.

Hakbang upang maiwasan ang COVID-19 transmission at infection sa mga PDLs at mga personahe ng nasabing pasilidad.

Ang vaccination activity ay pinangasiwaan ni JCInsp. Tedler Samonte katuwang si Assistant Warden Jinsp. Desman Onsat at ang lockdown duty personnel gayundin ang Jail Response Team sa pakikipagtulungan sa Sorsogon City Health Office.

Samantala, patuloy pa rin ang vaccination activity ng lungsod kung saan ngayong araw ng Miyerkules August 3, 2022,  venue ng aktibidad ang City Mall, at Tugos RHU para sa West District, habang sa  Bacon RHU naman ang para sa Distrito ng Bacon at Offsite ang Tiris at Osiao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *