One Hospital Command, ipinatutupad sa Batangas

Batangas City -Ipinatutupad na sa Batangas ang one hopital command kung saan dito magmumula ang “referral system” sa mga ospital sa buong lalawigan.

Ang one hospital  command na ito ay nasa ilalim ng Provincial Health Offce na bahagi ng service delivery network meron ang probinsya.

Layunin ng One Hospital Command na ito ang mapalakas ang healthcare system at ipalaganap ang referral system pagdating sa koordinasyon sa mga pampubliko at pribadong mga ospital dagdag pa ang mga temporary treatment and monitoring facilities sa buong Batangas.

Sa isanng command na ito ay inaasahang mapabibilis ang pagtugon sa pangangalaga sa mga pasyente na maibigay sa kanila ang angkop na lunas bukod pa ang paghahanap ng pagdadalhan ng pasyente ng Covid19 maging ang mga nasa bahay na nangangailangan din ng kaukulang serbisyo.

Maaring tumwag lamang sa hotline na 09178347939 para sa unang distrito, 09178347772 naman ang mga magmumula sa ikalawa at ikalimang distrito, 09178437816 ang para sa ikatlong distrito habang ang numerong 09178347951 ang para sa mga taga 4th and 6th district.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *