‘One strike policy’ na magdudulot ng blacklisting at ‘persona non grata’ sa mga taong nagsasagawa ng hazing

Kinalampag ni Deputy Minority Leader Rep. Bernadette Herrera ang Department of Interior and Local Government at Department of Education na i-exercise ang ‘zero tolerance’ sa lahat ng uri ng hazing na ginagawa ng mga fraternities, sororities, at ng iba pang grupo.

Ito ay sa pamamagitan ng ‘one strike policy’ na magreresulta sa blacklisting at ‘persona non grata’ status ng anumang grupo at mga tao na magsasagawa, mag-o-otorisa, poprotekta, o tutulong upang maisakatuparan ang hazing.

Sa inilabas na pahayag ni Herrera, nakasaad na may sapat na probisyon, mga hakbang, at safeguards ang umiiral na Anti-Hazing Law, at nasa mga tagapagpatupad na nakasalalay ang implementasyon nito sa lokal na pamahalaan.

Sa kabila ng pagkakaroon ng naturang batas, naging mas aktibo umano sa labas ng mga campus ang mga fraternities dahil mas nakagagalaw sila nang mas malaya.

Sa huli, nakasaad na ang hazing, ang frats, at ang gang ay nararapat na ituring bilang krimen, at prayoridad sa peace and order upang mas pagtuunan ito ng pansin ng mga local government units (LGUs). Nagpahayag naman ng pakikidalamhati si Herrera sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig dahil umano sa hazing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *