Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas sa harap mismo ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA).
Nanawagan ang mga magsasaka na pansamantalang ihinto ang pag-aangkat ng sibuyas.
Itoβy dahil hindi na nabebenta ang sibuyas na naka-imbak na lamang sa cold storage facility sa Nueva Ecija at bagsak na ang mga presyo nito.
Ayon sa DA at Bureau of Plant Industry (BPI), magkakaroon pa ng konsultasyon dahil kailangan balansehin ang interes ng magsasaka at mamili.
Nangako naman ang mga onion farmers na hindi nila iipitin ang suplay ng sibuyas.