Online application sa OWWA scholarship programs, hanggang Enero 31 na lang

KORONADAL CITY- ITINAKDA na sa Enero 31, 2023 ang deadline ng online application para sa scholarship programs ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12.

Ang Education for Development Scholarship Program o EDSP at Congressional Migrant Workers Scholarship Program o CMWSP ay bukas sa mga dependents ng mga Overseas Filipino Workers o OFW na incoming first year college sa school year 2023-2024.

Ang mga scholars ay makakatanggap ng P 60,000 na educational assistance bawat school year.

Ang Pen and Paper Examination ay itinakda naman sa March 11 at March 12.

Sa mga interesadong maging OWWA scholar, mag-apply online sa pamamagitan ng scholarship.owwa.gov.ph.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *