
ZAMBALES-Inumpishan na ang online pre-registration para sa 2021 Labor Day Online Job Fair ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Ito ay upang matulungan ang karamihan sa mga Zambalenyo na makahanap ng trabaho sa pamamagitan ng online.
Sinimulan ang online pre-registration nakaraang April 26 at ang aktwal na job searching ay magsisimula sa labor day sa May 1.

Ayon sa DOLE karamihan sa mga trabahong may magandang kita ay online jobs na isa din sa isinusulong ngayon ng pamahalaan na napapanahon dahil sa pandemya.
Samantala ang Vantagehunt ng lungsod na isang employment solution platform para sa mga job seekers at employers ang siyang mangunguna sa TNK 2021 at maaaring bisitahin ang website nito.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: DOLE Central Luzon