Online class, pansamantalang ipinatupad sa isang paaralan sa Legazpi City dahil sa biglaang pagdami ng kaso ng foot and mouth disease

LEGAZPI CITY – Pansamantalang hindi pinapapasok ang ilang mga mag-aaral sa Albay Central School sa lunsod ng Legazpi dahil sa biglaang pagdami ng mga kaso ng ffoth and mouth disease upang mapigilan ang hawaan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PHO Environmental Sanitation Unit Chief Engr. William Sabater, online class muna ang kanilang gagawin upang maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral na apektado ng sakit.

Aabot sa 41 mga estudyante ang nagpositibo sa FMD sa nabanggit na paaralan.

Dagdag pa nito, magkakaroon din ng oryentasyon ang lahat ng faculty members ng paaralan upang i-disseminate ang patungkol sa proper hygiene upang maiwasan ang virus na sanhi ng nasabing sakit.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hakbang ang PHO sa pagtutulungan ng City Health Office, DEPED atย  ang ang paaralan upang mapigilan ang pagkalat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *