Online estafa nangunguna sa record ng PNP anti-cybercrime unit sa Bicol ngayong pandemya

NAGA CITY- Online Estafa ang nangungunang kaso sa record ng PNP Regional Anti-Cyber Crime Unit (RACU)-Bicol ngayong pandemya.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay  PLt. Angelo Babagay, hindi man nito nabanggit ang eksaktong bilang, ibinahagi naman na karamihan sa mga naging transaksyon ay pagbebenta ng faceshield, facemask at ibang katulad subalit wala namang nakakarating sa umorder.

Bukod dito, may mga naloloko pa rin sa text na nanalo sa raffle kahit pa wala namang sinalihan.

Mayroon ding, nadadala sa nagpapakilalang personahe ng bangko , nakukuha ang impormasyon at namamalayan na lamang na bumabawas na ang pera sa account.

Pinag-iingat ang ;ahat sa ganitong mga istilo sas social media.

Sa mga may parehong reklamo , maaaring pumunta sa may  2nd Floor ng Youth Center sa Naga City.

(photo from web)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *