Online fixers ng pekeng driver’s licenses huli sa entrapment operation sa Camarines Sur

NAGA CITY- Dakip sa entrapment operation ng pinag-isang pwersa ng PNP  Anti-Cybercrime Unit at Land Transportation Office- Bicol ang dalawang online fixer ng pekeng lisensya sa pagmamaneho sa Magsaysay Ave. Naga City at Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang unang suspek na si “Jhie Pajares”  sa social media o Jessica Pajares. Matapos ang palitan ng pekeng driver’s license at marked money agad siyang inaresto ng mga otoridad.

Makikita sa profile ng ginang na siya ay rakiterang ina at lahat kinakaya kahit mahirap subalit ngayon ngayon mahaharap siya sa kasong Usurpation of Public  Authority , Article 315 ng Revised Penal Code at Estafa in relation to Republic Act  10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang entrapment operation na ito ay iba pa sa Pili Camarines Sur kung saan dakip din si Jeanette Regadillo o handle “Ne’aj Assist” sa facebook ,  nahuli  ang ginang na ng mga pekeng lisensya  na dinala ng isang courier service. Sa record ng PNP nagpanggap pang personahe ng LTO.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 8293 or usurpation of public authority and falsification of public documents.

Una nang sinabi sa 103.1 Brigada News  FM Naga ni LTO Regional Director Franz Ranches na ang lisensya ay hindi pinoproseso online.

Ayon naman kay  LTO Operations Chief Glen Mancera kung sinuman ang nagtatransact online 100% peke ang hawak na lisensya kaya dapat makipagtulungan sa LTO.

“Kung sino man ang nag-transact sa inyo via online, 100% fake license po ang hawak ninyo. It’s best na makipagtulungan po kayo sa office and i-surrender na lang yung fake licenses,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *