Online “Love scam”, ibinabala ng PNP ngayong pandemya

BATANGAS – Pinag-iingat ng PRO-CALABARZON ang publiko laban sa mga scammer na ginagamit ang internet para makakulimbat ng pera ngayong mayroong pandemya.Ayon sa CALABARZON Cybercops, sila ay naglipana sa mga social media applications kagaya ng Facebook at iba pang dating applications.

Kaya babala ng mga awtoridad, mag-ingat sa mga makikilala o magiging kaibigan na online strangers at huwag basta-basta magbigay ng photos o videos na maaaring magamit para ikaw ay ma-blackmail.

Base sa kanilang datus, ang mga scammer ay unang makikipagkaibigan o makikipagkilala.Kung minsan ay gumagamit sila ng ibang larawan o nasing poser para mas madaling makuha ang atensyon ng kanilang target victim.

Pangalawa, sakaling makuha na ang loob at tiwala ng biktima ay mangangako ang scammer na magbibigay ng regalo gaya ng alahas o anumang packages mula abroad.

Pangatlo, sakaling mapaniwala at magtiwala ang biktima ay magsasabi ang scammer na ang kanyang ipinadalang regalo o package ay nasa kustodiya ng Customs at kailangan munang bayaran ang pag-release nito.

Pang-apat, dito na maglalabas na pera ang biktima bilang pambayad sa pag-aakalang may darating na package para sa kanya.

Dito na malalaman ng biktima na siya ay na-scam sakaling walang dumating na packages at bigla na lamang hindi nagparamdam o nang-ghost o binlock ka na sa social media at contants ng scammer.

Sa mga nabiktima ng ganitong modus ay maaaring makipag-ugnayan sa PNP-Anti-Cybercrime Group para maiwasang maulit ang pangyayari at mahuli ang suspek. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *