CAMARINES NORTE – Inanunsiyo ng Civil Service Commission (CSC) na maaari nang ma- access ang Online Notice of School Assignment para sa gagawing Career Service Examination- Pen and Paper Test (CSE- PPT) sa darating na Linggo, August 20, 2023.
Maaari itong ma- access sa https://erpo.csc.gov.ph/eNOSAv3/.
Pero ayon kay Camarines Norte CSC Director II Atty. Alicia Salinas maaari umanong pumunta o tumawag o kaya ay mag- email sa CSC Provincial Field Office sa Barangay Camambugan dito sa Daet sa mga hindi maka- access ng kanilang room assignment.
Magpapaskil din umano ng materials ang CSC sa mismong eskwelahan bago ang nakatakdang araw ng examinations.
Gagawin ang examination para sa professional level sa Camarines Norte State College main campus habang sa CNSC AbaƱo Campus naman ang lahat ng sub- professional level.
Paalala naman ni Salinas sa mga kukuha ng exam na dumating ng maaga sa eskwelahan para iwas aberya.
Nakalagay naman umano sa notice noong mag apply ang mga examinee para sa exam ay alas 7 ng umaga upang hindi talaga sila mahuli.
Magsisimula ang examinations alas 8 ng umaga pero kailangang maaaga ang examinees dahil may preliminaries bago ang mismong exam. Isasara naman ang gate ng 7: 45 ng umaga at wala nang papayagang pumasok na sa venue ng examination.
