Online Pre- registration para sa mga kukuha ng CSE- PPT sa Agosto magisimula na ngayong araw

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Civil Service Commission na magkakaroon ng Career Services Examination- Pen and Paper Test  (CSE- PPT) para sa Professional at Subprofessional levels sa Agosto 7 ng taong kasalukuyan sa lahat ng lalawigan sa Bicol.

Batay sa Regional Advisory ang Online Pre- registration ay magsisimula ngayong araw, May 25- 31, 2022 via RO V website na ro5.csc.gov.ph habang ang filing period naman ay magsisimula sa June 2- 16, 2022.

Bago ang pagsususmite ng application requirements sa filing period ang mga interesadong examinees ay kailangan munang mag- secure ng slot online.

Una nang inihayag ni Acting Director II Atty. Alicia Salinas ng Civil Service Commission Provincial Field Office na madaragdagan ang slots ng Camarines Norte para sa mga kukuha ng CSE- PPT sa Agosto.

Target umano ng opisina ang 800 examinees dahil nadagdagan na rin ang bilang mga mga paapayagang mag exam sa isang kwarto.

Sa June 19, 2022 CSE- PPT examinations ay 12 examinees lang ang pinapayagan sa kada kawarto upang masiguro na mayroong social distancing.

Pero sa gagawing kaparehong exam sa Agosto ay 16 na examinees na ang papayagan kada kwarto.

Ang examination sa Agosto ay bukas sa General Public pero kalahati dito ay agency requested.

Leave a Reply

Your email address will not be published.