Online registration para sa covid-19 free vaccine program binuksan ng SBMA

SBFZ-Binuksan ng Subic Bay Metropolitan Authority ang DOH-SBMA Covid-19 free vaccine online registration program.

Ito ay para mas marami pang residente at stakeholder ng SBFZ ang maakomoda at makapagsumite ng mga registrants sa Department of Health tuwing unang araw ng buwan.

Paalala lang ng SBMA, susundin ang guidelines ng DOH pagdating sa priority groups, ang petsa ng pagbabakuna at kung anong uri ng bakuna ang gagamitin ay depede sa availability nito.

Ang mga pangalan naman na kasama sa priority groups ay nakadepende sa first come first serve basis.

Sakali namang matanggap na ng SBMA ang kumpirmasyon mula sa DOH ay kokontakin nito ang registrant sa ibinigay na email address.

Samantala maaari namang i-click ang link na ito para sa mga nais magrehistro online https://bit.ly/3nKXP3N //Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'Garlic is known to be a Natural Antibiotic Power Fact It has long been tought to have antimicrobial properties. A study found that concentrated garlic is effecive against bacteria. Power Cells ang Sakit! Tuldukan HERBAL CAPSULE'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *