OPD ng Sorsogon Provincial Hospital, magbabalik normal na ang operasyon

Babalik na sa normal ang operasyon ng out- patient department ng Sorsogon Provincial Hospital sa Nobyembre 2 nitong taon.

Matatandaan na nitong unang linggo ng buwan ng Oktubre, naging limitado ang operasyon at ibang serbisyong medikal ng out -patient department ng nasabing ospital dahil sa pagdami ng mga staff na nag positibo sa Covid-19.

Ayon sa provincial health officer na si Dr Jun Bolo, babalik sa full capacity na ang out-patient department ng provincial hospital.

Samantala, sa pulong na isinagawa ni Gov Boboy Hamor, SPDRRMO at PHO, lumabas na sa kasalukuyan umano, ang ilan sa mga ospital sa lalawigan ay maraming mga pasyente dulot ng ibat-ibang karamdaman dala ng patuloy na pag -uulan sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *