OPE-PACC sa Bicol, muling in-activate para sa mandatory F2F classes

LEGAZPI CITY – Muling in-activate ng kaparehong kagawaran ang Oplan Balik Eskwela – Public Assistance and Command Center (OBE-PACC) bilang paghahanda sa mandatoryong limang araw na in-person na klase sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad ng nasabing tanggapan, pangunahing tungkulin ng OBE-PACC na tumugon sa lahat ng mga katanungan, reklamo at iba pang alalahanin ng publiko sa tungkol sa pagpapatupad ng mga klase sa F2F.

Ang OBE-PACC Help Desk ay magsisilbing mekanismo ng pagproseso at pagruruta ng impormasyon at mga reklamo.

Ang mga SDO kasama ang mga paaralan ay pinayuhan ding na i-setup ang kani-kanilang OBE help desk upang tulungan ang mga mag-aaral, mga magulang, at iba pang mga kasosyo sa edukasyon sa buong rehiyon.

Alinsunod sa DepEd Order No. 44 s. 2022, ang lahat ng pampublikong paaralan ay inaatasang lumipat sa 5-araw na in-person classes simula Nobyembre 2, 2022.

Sa Bicol Region, mula sa kabuuang bilang na 4,445 na paaralan, mayroong mahigit 3,883 na paaralan ang lalahok sa pagpapatupad ng 5-araw na F2F classes simula kahapon Nobyembre 2, 2022, batay sa isinumiteng ulat ng SDOs.

Ang kabuuang bilang ay binubuo ng 3,649 pampublikong paaralan, 230 pribadong paaralan at 4 SUCs/LUCs.

Samantala, may halos dalawang-daab pang pampublikong paaralan ang nasa transition period pa rin sa 5 araw F2F na klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *