Operasyon ng Bicol International Airport mas magiging maayos kung hahawakan ng private sector—solon

BNFM BICOL—Mas magiging maayos umano ang operasyon ng Bicol International Airport (BIA) kung private sector ang hahawak nito.

Ito ang pahayag ni Albay 2nd district Representative Joey Salceda na isa sa mga authors ng proyektong ito.

Anya, kung gobyerno pa rin ang hahawak, napakatagal ng proseso gaya na lamang ng pagsasakatuparan ng konstruksyon nito kung saan inabot ng 17 taon mula nang mairelease ang unang pondo bago tuluyang makikitang operational sa May 2022.

Kung pribadong sector anya ang hahawak, mas mabilis itong lalago sa susunod na limang taon kung saan kailangan muli itong eexpand.

Ang pag-uusapan na lamang anya ngayon ay kung magkano ang papayagan ng gobyerno na isingil para sa terminal fee sakali mang pribadong sector na ang humawak nito. Isa sa mga potensyal na nakikitang maaaring mangasiwa sa paliparan ay ang Aboitiz na nagsumite na ng kanilang feasibility study para sa operation, investment and management plan sa Department of Transportation (DOTr).

Proponent status na lamang umano ngayon ang hinihintay para sa bid ng nasabing kumpanya. #

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *