Operasyon ng e-sabong, dedesisyunan na ng pangulo ngayong linggo

Nakatakdang desisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tungkol sa operasyon ng e-sabong o online cockfighting ngayong linggo.

Ito’y matapos niyang atasan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na magsagawa ng survey at mangalap ng feedback ukol sa operasyon nito.

Ayon kay Duterte, nasa kanya na ang rekomendasyon ng DILG kung saan pag-aaralan niya kung itutuloy ang operasyon nito o hindi.

Samantala, sinabi ng pangulo na dapat hawak ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang nasabing laro para sila lang tatawagan niya tungkol dito. || ARGIE ERGINA

Leave a Reply

Your email address will not be published.