Operasyon ng Food Panda, bawal sa No Movement Sunday!

KORONADAL CITY — NILINAW ngayon ni Koronadal City Legal Officer Atty. Cristy Joy Sollesta na bawal ang operasyon ng mga delivery riders sa lungsod sa mga araw ng Linggo na ideneklarang No Movement.

Ito ang inihayag ng opisyal matapos maraming delivery riders ng Food Panda ang namataan noong araw Linggo, Hunyo 13 sa kabila ng ipinatupad na No Movement sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Sollesta, nilinaw nito na mga healthcare workers, church personnel, media at iba pa na pinahintulutan lamang ng gobyerno ang maaaring lumabas kasabay ng No Movement on Sunday na deklarasyon sa lungsod.

Wala din umanong formal communication sa city government ang nabanggit na online food and grocercy delivery platform para sa kanilang operasyon sa araw ng Linggo na ideneklarang No Movement.

Halos wala din umanong orders sa nabanggit na araw dahil sarado din ang halos lahat na mga commercial establishments sa Koronadal.

Pinapayagan naman anya ang mga bibili ng gamot sa mga pharmacies ngunit nanindigan si Sollesta na walang delivery magaganap.

Una rito, dalawang araw ng Linggo ngayong Hunyo na kinabibilangan ng Hunyo 13 at 20 ang ideneklarang No Movement sa Koronadal dahil pa rin sa tumataas na kaso ng Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *