Pinare-review ni Quezon City 3rd district Rep. Franz Pumaren sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang mga operasyon ng kanilang online sports betting service providers hinggil sa issue ng game fixing.

Ayon kay Pumaren, kung hindi matutugunan ang naturang usapin, posibleng makompormiso ng game fixing ang moral at pinagkakakitaan ng mga atleta.
Ito ang naging panawagan ng mambabatas, na isang multi-time champion sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang isang manlalaro, at sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) bilang isa namang basketball team coach.
Nanindigan ang Kongresista na bilang sportsman, alam niya ang tunay na nangyayari – na nagkakaroon na ng konting problema sa PAGCOR pagdating dito kaya dapat lang muling silipin ang sports betting service prodiders ng korporasyon.