Operation tuli ng BNFM Naga at Barangay Council ng Calauag dinagsa; ilan sa mga ito binigyan ng prayoridad

NAGA CITY-Dinagsa ang Operation Tuli ng Brigada News FM at barangay Council sa Barangay Calauag Naga City. Maagang umabot sa 100 ang nasa listahan.

Umaga pa lamang handa na ang mga batang nais matatakan o sumailalim sa circumcision. Pumila sa Barangay Hall at habang palapit ng palapit ang kanilang pangalan, magkahalong tuwa at kaba na ang nararamdaman ng mga bata.

Habang nasa proseso nakaalalay ang magulang, ang walang kasama hindi pinayagan ng medical group. Naging prayoridad naman ang ilang mga nagbibinata na, mga nasa 14-anyos. Ito ang naging patakaran ng medical group upang hindi mahiya sa kanilang edad. Karamihan kase mas bata pa.

Samantala isa sa mga nagpatuli ang 10-anyos na si Clarence Navarro, gustong-gusto niya na aniya magpatuli para maging binata na at para na rin sa kalinisan, hindi aniya siya nakaramdam ng kaba kundi pagkasabik.

May handog ding pa snack sa mga bata at magulang. Paglabas nila ng venue, natanggap ng mga nagpatuli ng gamot , panlinis ng sugat at iba pa gayundin ang school supplies. Nagpapatuloy ang Operation Tuli 2023, malaki ang pasasalamat ng Brigada Group kasama ang Brigada Foundation Inc., Brigadahan 1Tahanan at Brigada News FM Station nationwide sa mga katuwang ang mga ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *