Opisyal sa Naga tiniyak na ligtas pa rin sila sa kahit anumang banta at kaguluhan

NAGA CITY – Ligtas at walang anumang banta ng kaguluhan o maging sa buhay ng mga opisyal ng Naga City dahil wala namang masasamang grupong namo-monitor sa ang mga otoridad.

Sa kabila nito “Kailangan na mag-ingat pa rin kami”  ito ang naging paalala ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Investment, Trade and Economic Enterprises and Tourism sa konseho bilang reaksyon sa nangyayaring pagpatay sa ilang mga elected officials sa ibang lalawigan at lungsod.

Sinabi ng konsehal na malaking pasalamat nila dahil ang Naga City ay napakatahimik at natitiyak niyang hindi mangyayari ang ganyang mga krimen at maging sa Camarines Sur.

Wala pa naman aniyang nangyayaring ganyang patayan sa lungsod na kilala bilang “Maogmang Lugar”.

Batay sa kaniyang pahayag sa Brigada News FM Naga sinabi niyang kahit tahimik ang lungsod naniniguro pa rin ang mga uniformed personnel, ang mga pulis at militar na nakabantay sa paligid para magbigay ng proteksyon sa mga opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *