Oplan Bandillo, pinapaigting sa loob ng Manila North Cemetery

Inabutan na ng cut-off ang ilang mga bibisita sa Manila North Cemetery kaya hindi na sila pinapasok sa loob.

Ito’y dahil pinapaigiting ng Manila Police District (MPD) ang Oplan Bandillo kung saan inaabisuhan ang mga nasa loob pa ng sementeryo pagpatak ng alas-5 ng hapon na kailangan na nilang umalis upang ito’y malinisan para sa mga bibisita pa sa susunod na araw.

Ayon kay Police Maj. Dave Apostol, team leader ng MPD sa Manila North Cemetery, maaari naman na muling dumalaw kinabukasan simula alas-5 ng umaga nang mabisita ang puntod ng kanilang yumao.

Sa huling datos ng MPD, umabot sa 5K ang bumisita sa Manila North Cemetery at wala pa namang naitalang untoward incident sa nasabing sementeryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *