Oplan Sita ng isang baranggay sa Olongapo nauwi sa habulan sa isang motorista

Sapol sa facebook live ni Kgd. Larry Toledo ng Committee on Peace and Order ng Bgy. West Tapinac, Olongapo City ang pagkakaresto sa isang lalaki matapos tumakbo sa Oplan Sita kagabi at makuhanan ng hinihinalang ipinagbabawal na droga.

Nakalive si Toledo habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang barangay at ang Police Station 2 nang mangyari ito.

Sa operasyon ay tinitingnan ang mga walang suot na helmet,walang lisensya, walang tamang dokumento at iba pang mga paglabag.

Nagkahabulan nang biglang tumakbo ang nasabing lalaki, nang maabutan at tinanong ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng pagtakbo, ang sagot nito ay dahil natakot.

Nang kapkapan ay dito na nakita ang mga hinihinalang ipinagbabawal na droga, agad namang dinala sa himpilan ng Station 2 ang lalaki.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of dessert and text that says 'Power Fact Did you know that Garlic was given to those who built the pyramids in Egypt? This was to enhance their physical strength and endurance. Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit! Û.a- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published.