Top Stories

Oppo solon: ‘UniTeam’, ‘punit’ na dahil sa umano’y infighting sa Lakas CMD

Halatang-halata na raw ang ‘power play’ at ‘power struggle’ na nararanasan ngayon sa pulitika dito sa bansa.

‘Yan ang naging reaksyon ni House Deputy Minority Leader ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa gitna ng napabalitang demolition laban kay House Speaker Martin Romualdez kasunod ng pagtanggal kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker, na nasundan pa ng pagkalas ni Vice President Sara Duterte sa Lakas-CMD.

Sa isang panayam, sinabi ni Castro na mula pa lang daw nang manalo si Pangulong Bongbong Marcos – kita na raw ang nais ni Arroyo na maging Speaker ng Kamara.

‘Yun nga lang raw – mas naging matimbang pa rin ang dugo kaya si Romualdez ang naging House leader.

Sabi ni Castro – ang ginawa raw pagtiwalag ni Duterte sa Lakas-CMD ni Romualdez ay tila isa raw ‘sympathetic’ move para kay Arroyo at maaaring paghahanda na ng Bise Presidente para sa mas malaking posisyon sa susunod na halalan.

Aniya, ang basa niya raw rito ay walang tiyansa si Duterte kung mananatili pa rin ito sa partido ni Romualdez.

Sa mga developments na ito, naniniwala ang opposition lawmaker na tila ‘punit’ na ang UniTeam, ‘o ‘yung tambalang Marcos-Duterte.

Mula pa raw kasi ng mga nagdaang linggo – kita na raw ang tila’y pagiging malamig ni Marcos sa pagsuporta kay Duterte, kabilang na ang isyu ng International Criminal Court (ICC) investigation sa drug-war ng ama nito na si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Kung maaalala, kay Marcos na mismo nanggaling na posibleng ‘may mali’ nga raw sa naging implementasyon ng anti-illegal drugs campaign ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay Castro – ngayong may sari-sarili silang interes at mga issues – hindi na raw ‘solid’ ang UniTeam na tinatawag. //LGD, edited MHEL PACIA

BNFM Makati

Recent Posts

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 mins ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

24 mins ago

‘Internal agreements’ sa pagitan ng China at PBBM admin – pinabulaanan ng DND

Walang alam o hindi kabilang ang Department of National Defense sa internal agreement sa pagitan…

49 mins ago

Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang…

1 hour ago

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

1 hour ago

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

2 hours ago