Oras ng curfew sa Olongapo City binago na

Nagkaroon na ng pagbabago sa oras ng curfew sa lungsod ng Olongapo alinsunod sa bagong kautusan ng Inter-Agency Taskforce.

Epektibo mula September 1, ito ay ipinapatupad na mula alas dyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw mula sa dating alas dose ng hating gabi.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., pagdating ng alas dyes ng gabi dapat wala ng tao sa labas ng bahay maliban na lamang sa mga essential workers.

Layon nitong mabawasan ang bilang ng mga taong nasa labas lalo na kung hindi naman kinakailangan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells Tuldukan HERBAL CAPSULE Ang Sakit! FACE FACESHIELD SHIELD Stay strong amidst pandemic! Û. www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *